Isang maalab na pagbati sa inyo at sa inyong pamilya!
Nalulugod kaming ipaalam sa iyo ang matagumpay na pagdaraos ng ating ika-30 anibersaryo ng pagtatapos sa hayskul. Ginanap ito noong nagdaang Disyembre 28, 2002 sa Forest Garden, Balanga City at dinaluhan ng mahigit 100 alumni na nagmula sa Section A hanggang Section E ng ating batch.
Bukod sa selebrasyon, nakita rin ang pagsasama-sama bilang na isang mahusay na venue para mapag-usapan ang mga concern ng ating batch. Kaugnay nito, ilan sa mga bagay sa napagkaisahan ng mga dumalo ay ang mga sumusunod:
- Reunion 2003. Isang batch reunion ang muling idaraos ng Batch 72 sa darating na Disyembre, 2003. Inaasahang magbibigay daan ito sa higit malaki at masayang pagsasama-sama ng mga alumni.
- Scholarship Grant. Napagkasunduan ang pagtataguyod na isang Scholarship Grant kung saan pangunahing makikinabang ang mga magko-kolehiyong anak ng ilan sa ating mga ka-batch. Ang kumpletong detalye ukol sa nasabing proyekto ay ipaparating namin sa mga susunod na pagliham ng pamunuan.
- Batch Officers Election. Para sa higit na maayos na pag-aasikaso ng reunion at iba pang proyekyo ng batch, idinaos din ang paghahalal ng mga opisyal ng Batch 72. Nasa ibaba ang kumpletong listahan ng ating mga newly-elected officers:
(SEE BACKGROUND PAGE)
Ngayon pa lang ay ipinapahatid na ng pamunuan ng batch ang mainit na
pag-aanya para sa muling gaganaping reunion sa Disyembre, 2003. Marahil ay napakagandang pagkakataon ito upang inyong makasama hindi lamang ang inyong mga pamilya sa Pilipinas, kundi ang inyo ring dating mga kamag-aral.
Anumang tulong ang nais ninyong ibahagi para sa mas matagumpay na pagsasakatuparan ng mga nabanggit na proyekto ng batch, maaari kayong makipag-ugnayan sa mga batch officers sa pamamagitan ng mga nakatalang postal/e-mail addresses at telepono sa kasunod na pahina.
Maraming salamat at pagpalain kayo ng Poong Maykapal!
Gumagalang,
Avelino Tomas A. Evangelista
Pangulo, JRI Batch 72